Kinumpirma ni Major Rodulfo Cordero, Public Affairs Chief ng 4th Infantry Division ng Philippine Army na patay ang lahat ng sakay ng bumagsak na helicopter ng Philippine Air Force sa Brgy. Bulunay, Impasugong, Bukidnon kaninang sabado ng tanghali.
Ayon kay Cordero, patay ang 7 sakay ng UH-H1 kung saan 2 rito ay piloto, 2 crew ng helicopter, 3 pasahero na mga sundalo.
Aniya, tutungo sana sa Impasug-ong mga sundalo upang maghatid ng supplies sa mga kapwa nito sundalong nasa bulubunduking bahagi ng Impasug-ong subalit nagkaroon ng problema ang makina ng helicopter kaya’t bumagsak ito.
Dagdag ni Cordero, kaagad namang pinuntahan ng otoridad ang bumagsak na helicopter matapos ang aksidente.
Samantala , tumanggi munang iulat ni Cordero ang pangalan ng mga nasawi dahil hindi pa aniya nalalaman ng mga pamilya nito.—sa panulat ni Agustina Nolasco