Pinabulaanan ni Chelo Reyes anak ni billiard legend Efren ‘Bata’ Reyes ang kumakalat sa social media na balitang patay na ang ama.
Batay sa facebook post ng anak, makikitang nanonood ang ama nito ng telebisyon at nagsabing ″Okay lang ako ″ habang nakangiting kumakaway sa camera.
Ayon kay Chelo na Diyos na ang bahala sa mga nagpapakalat na patay na ang ama sabay gamit ng #Dinakakatuwa sa naturang Facebook post.
Matatandaang nitong Enero 15 lamang ay may isang 19 anyos na binata ang umiidolo sa alamat ng billiard ang nagregalo sa kanya mismo ng portrait na likha mismo ng binata.—sa panulat ni Agustina Nolasco