Handa na ang pamahalaang lungsod ng Taguig para sa pag-iimbakan ng kanilang mga bibilhing bakuna kontra COVID-19 na AstraZeneca.
Ito ang inihayag ni Taguig City Mayor Lino Cayetano, makaraang selyuhan nito ang kontrata sa kumpaniyang Orca Cold Chain Solutions na siyang pag-iimbakan ng mga bibilhing bakuna ng lungsod.
Ayon kay Cayetano, layunin ng nasabing kasunduan na masigurong may sapat na espasyo ang mga bibilhing bakuna upang mapanatili ang tamang temperatura nito.
Pagmamalaki pa ni Cayetano, may sukat na 6,500 metro kuwadrado ang nasabing storage facility na pasok sa international standards at kaya ring mag-imbak ng suplay ng bakuna ng mga karatig bayan o lungsod nito.
Una nang naglaan ng P1 bilyong ang Taguig City government makaraaang lumagda na ito ng tripartite agreement sa AstraZeneca at National Task Force against COVID-19 para lahat ng mga residente ng lungsod.
Target ng Taguig LGU na i-rollout ang mga nabiling bakuna sa ikalawa hanggang ikatlong quarter ng taong kasalukuyan.