Isusumite ng Philippine Red Cross (PRC) sa Department of Health (DOH) ang resulta sa kanilang pilot COVID-19 saliva test bukas, Enero 18, 2021.
Ito ayon kay Dra. Paulyn Ubial, director ng PRC molecular laboratories, matapos makakuha ang kanilang tanggapan ng 1,000 samples sa nasabing test.
Matatandaang noong Oktubre ng nakaraang taon pa sana masimulan ang naturang test ngunit hindi ito inaprubahan ng DOH.
Ayon pa kay Ubial, kung maaprubahan ang COVID-19 saliva test ay makakamura ang publiko kumpara sa RT-PCR tests, na nagkakahalaga lamang ito sa P1,500 hanggang P2,000.
Samantala, pumalo na sa lagpas 500,000 ang kaso ng COVID-19 ng bansa ngayong araw, kabilang ang 24,691 na mga aktibong kaso, 465,991 na gumaling at 9,895 naman ang mga nasawi sa virus. —sa panulat ni John Jude Aalbado