Nakatanggap ng cash assistance ang mga health care workers na tinamaan ng COVID-19 sa Zamboanga Peninsula o Region 9.
Ayon kay Dr. Dennis Dacayanan ng Department of Health-Region 9 (DOH-9), naglaan ng P5.1 million ang kanilang tanggapan para sa mga medical front-liners na dinapuan ng virus bilang bahagi ng benefits package sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act.
Sinabi ni Dacayanan na mula nang mag-umpisa ang pandemya noong nakaraang taon ay nasa 467 health care workers na ang naghain ng benefit claims pero 244 lamang sa mga ito ang inaprubahan ng DOH.