Isang milyong pisong halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat ng mga awtoridad mula sa isang umano’y high-value target sa ikinasang operasyon sa Zamboanga City.
Kinilala ni Brig. Gen. Ronaldo Genaro Ylagan, Police Regional Office-9 o PRO-9 director, ang suspek na si Nurhan Ismula na nadakip sa buy-bust operation sa Barangay Arena Blanco.
Halos 100 gramong droga ang nakuha mula sa kanya na tinatayang nagkakahalaga ng P1.1 million pesos.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.