Masisimulan na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang konstruksyon ng elevated bus ramps sa EDSA.
Ito ang inihayag ni MMDA Chairperson Benhur Abalos, ngayong tiyak na ang pondong ilalaan para sa nasabing proyekto.
Kasabay nito kinilala ni Abalos ang tulong nina Transportation Arthur Tugade, DPWH Sec. Mark Villar at Quezon City Mayor Joy Belmonte para magkaroon ng pondo ang pagpapagawa ng elevated bus ramps.
Inaasahang makatutulong ang proyektong ito na maibasan ang bigat ng daloy ng trapiko sa EDSA matapos isara ang ilang u-turn slot sa mga motorista.