Umabot na sa isang milyon ang nagparehistro para sa 2022 national at local elections.
Ito’y batay sa tala ng Commission on Elections (Comelec).
Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, inaasahan na marami pa ang magpaparehistro at maaabot ang target na apat na milyon bago matapos ang taon.
Nanatili aniya silang positibo sa pagnanais ng mga Pinoy na magparehistro upang makaboto sa kabila ng mga limitasyon o restrictions na ipinatutupad dahil sa banta ng COVID-19.
Kasabay nito sinabi ni Jimenez ang posibleng paglulunsad ng satellite registration bago matapos ang buwan.