“Fair and square.”
Ito ang tiniyak ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez sa gitna ng mga kontrobersiya sa pagbili ng mga bakuna kontra COVID-19 ng gobyerno.
Ayon kay Galvez, nakakasakit ng damdamin na nilalahat na ang mga opisyal o kawani ng gobyerno bilang mga kurap.
Giit ni Galvez mayroon din namang mga tapat na mga empleyado ng gobyerno.
Hiling ni Galvez sa publiko na pagkatiwalaan sila dahil marami pa rin ang aniya ang mga kawani na tapat na naghahatid ng serbisyo publiko.