Apektado ng Low Pressure Area (LPA) at Intertropical Convergenze Zone (ITCZ) ang rehiyon ng Visayas at Mindanao.
Ayon sa PAGASA, huling namataan kaninang alas-3 ng uaga ang LPA sa layong 65-kilometro, silangan ng Guian, Eastern Samar.
Dahil dito, makararanas ng maulap na kalangitan na mat kalat-kalat na pag-ulan ang Eastern Visayas at Bicol Region.
Magiging maulap din at maulan ang panahon sa Caraga, Western and Central Visayas, Zamboanga del Norte, Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon, at Quezon dahil sa LPA.
Apektado naman ng Amihan ang mga lugar ng Cagayan Valley, Apayao, Ifugao, Kalinga, Mountain Province, at Aurora, kaya’t makararanas ang mga ito ng maulap na kalangitan na may mahinang mga pag-ulan.
Samantala, maulap na kalangitan na may pulo-pulong pag-ulan ang mararanasan naman sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon dahil na rin sa Amihan.