Ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Debold Sinas ang pagsibak sa dalawang pulis mula sa Eastern Police District (EPD) matapos na magpositibo sa paggamit ng ilegal na droga.
Ayon sa PNP, ito ang naging bunga ng kanilang isinagawang random drug test sa 76 na mga tauhan ng EPD noong ika-13 ng Enero.
Ang dalawang pulis na nagpositibo sa ginawang drug test ay kinilala bilang sina: Patrolman Arnel Agustin ng District Human Resource and Doctrine Development Office, at Police Corporal Regie Alilano ng Pasig City Police Sub-Station 6.
Kasunod nito, dinisarmahan na sina Agustin at Alilano, at nasa ilalim na rin ng restrictive custody.
Sa huli, iginiit ni Sinas na hindi ito titigil hanggang hindi nalilinis ang kabuuan ng PNP. —ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)