“Bird flu-free” na o wala nang natitirang kaso ng Avian Influenza (AI) o bird flu sa Pilipinas.
Ito mismo ang kinumpirma ng Department of Agriculture (DA) makaraang i-anunsyo ng World Organization for Animal Health na malaya na sa nalalabing strain ng bird flu ang bansa nitong ika-8 ng Enero.
Ayon kay DA Secretary William Dar, isa itong welcome development sa industriya, gayung ang karne ng manok aniya ang isa sa mga pangunahing pinagkukunan ng animal protein ng mga Pinoy.
Ipinaabot din ni Dar ang pagbati nito sa DA-Bureau of Animal Industry at lokal na pamahalaan ng Pampanga at Rizal dahil sa mga ipinatupad nitong hakbang upang maiwasan ang pagkalat pa ng bird flu sa iba pang lugar.