Sumirit na ang kaso ng COVID-19 noong Kapaskuhan.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na 14 na araw matapos ang December 24, 2020 ay doon nakapagtala ang Inter-Agency Task Force (IATF) ng pagsipa ng kaso ng COVID-19.
Ang magandang balita naman sa kabilang banda sabi ni Roque ay muling bumaba ang bilang kaso pagkalipas ng December 24.
Ang hinihintay ani Roque nila ngayon ay kung aangat din ang kaso ng COVID-19, 14 na araw pagkalipas ng December 31 ganundin ang ika- 14 na araw makalipas ang Traslacion.
Sana lang ay huwag bumaba ang bed capacity sa sandaling lumabas na ang pigura ng mga papasok na datos sa bisperas ng bagong taon at Traslacion.