Plano ng lokal na pamahalaan ng Antipolo City na bumili ng iba’t-ibang brand ng bakuna kontra COVID-19.
Ayon kay Mayor Andrea Ynares, ito’y para magkaroon ng kalayaan makapamili ang mga residente ng bakunang ituturok sa kanila.
Ani Ynares, aabot sa P300-M ang naitatabi nang pondo ng lokal na pamahalaan para sa pagbili ng bakuna.
Dahil aniya pera naman ito ng bayan kaya’t binibigyan ang bawat isa ng karapatang makapamili ng bakuna ngunit magiging “first come, first serve” basis umano ang mangyayari sa pagpaparehistro.
Kasabay nito, inihahanda na rin umano ng lungsod ang kanilang local cold storage facilty para sa mga bakuna na nasa barangay Mayamot.