Hindi University of the Philippines o ang mga estudyante nito ang tunay na kalaban.
Ito ang iginiit ni Sen. Nancy Binay matapos materminate ang 1989 UP-DND accord.
Ayon kay Binay, tila nagbago na ang konteksto kung sino talaga ang kalaban at dapat na bantayan ngayon.
Ani Binay, sa halip na ang “invisible enemy” ng lahat ang pagtuunan ng pansin ngayon na siyang labis na nakaka apekto sa buhay ng lahat at ekonomiya ng bansa ay nabigyan pa ng oras ang pagbasura sa UP-DND agreement.
Kaugnay nito, nanawagan si Binay ng pagkakaisa para makaahon ang lahat sa gitna ng unos at pandemyang nararanasan ngayon dahil sa COVID-19.
Si Senator Binay ay isa ring UP graduate at nagsabi na ang unilateral na pag-terminate ng Department of National Defense sa 1989 UP-DND accord ay pagpapakita ng hindi pagrespeto ng DND sa democratic rights sa pamamagitan paghihigpit sa academic freedom.—ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)