Nakapagtala ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng karagdagang 3 Pilipinong namatay sa ibang bansa bunsod ng Coronavirus Disease (COVID-19) dahilan upang sumampa ngayong araw sa kabuuang bilang na 944 ang nasawi dahil sa naturang virus.
Tinatayang mula sa bahagi ng bansang America, Europe, Middle East at Africa ang mga naitalang kaso ng positibo sa COVID-19 na Pilipino na nasa abroad na umabot na sa kabuuang bilang na 13,624 ngayong Enero 20.
Habang, 8,745 naman ang kabuuang bilang ng mga gumaling na sa virus at 3,935 ang patuloy na nagpapagaling.—sa panulat ni Agustina Nolasco