Nakikipag-ugnayan na ang gobyerno sa iba’t-ibang vaccine companies para mabigyan ng tamang gabay sa pagpreserba ng mga COVID-19 vaccines na aangkatin ng Pilipinas.
Ayon kay Testing Czar Sec. Vince Dizon, mahigit 30 private companies na ang kinakausap ng pamahalaan para magsilbing imbakan ng mga aangkating COVID-19 vaccine dahil sa pagkakaroon ng mga ito ng pharma-grade capacity storage.
Sa pamamagitan aniya nito maiiwasan ang pagkasira ng mga bakuna.
Tuloy-tuloy din umano ang pakikipag-ugnayan nila sa iba’t-ibang pharmaceutical companies tulad ng Unilab at Zuellig para sa tamang pagbi-biyahe at pag-handle ng mga bakuna.