Palaisipan sa Malakaniyang kung anong batas ang mabubuo sa senado sa pagpapatuloy ng pagdinig kaugnay sa pag-angkat ng bakuna ng bansa.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, mayroon na namang ipinapatupad na national vaccination program na trabaho ng ehekutibo.
Kung ang target naman aniya ng mga senador ay gumawa ng batas para ipagbawal ang Confidential Disclosure Agreement (CDA) baka wala na umanong magbenta ng gamot sa Pilipinas.
Una nang inihayag ni Vaccine Czar Carlito Galvez na mamemeligrong mawala ang 148 milyong doses ng COVID vaccine kung lalabag sila sa CDA.