Umakyat na sa 14 ang bilang ng mga nakasalamuha ng unang kaso ng bagong variant ng coronavirus disease sa Pilipinas na nagpositibosa COVID-19.
Ito ay matapos na magpositibo na rin sa virus ang isa pang pasahero ng Emirates na nakasabay ng Pinoy na na-infect ng UK COVID-19 variant.
Ayon kay DOH Epidemiology Bureau Medical Specialist 4 Dr. Althea De Guzman, kahapon lamang nakumpirmang positibo sa COVID-19 ang nabanggit na ika-14 na contact.
Ani De Guzman, una ring lumabas na negatibo ang resulta ng COVID-19 test nito pagdating ng Pilipinas, tulad ng naunang dalawang kasabay niya rin sa eroplano ng Emirates na kalauna’y nagpositibo sa virus.
Kabilang sa 14 na contacts ng unang kaso ng UK COVID-19 variant ang nanay at kasintahan nito.