Pinaghahanda na ng PAGASA ang mga residente sa malaking bahagi ng Luzon kasama ang Metro Manila.
Ito ay dahil sa inaasahang paglakas pa at pagbagal ng bagyong Lando sa mga susunod na oras.
Ayon sa PAGASA, ang bagyong Lando ay apektado ng 2 active weather system sa loob at labas ng PAR o Philippine Area of Responsibility.
Habang itinitulak ito ng bagyong Champi na nasa silangang bahagi ng Pilipinas, hinaharang naman ng High Pressure Area (HPA) sa West Philippine Sea ang pag-usad nito.
By Judith Larino