Gumugulong na ang sariling imbestigasyon ng pamunuan ng Commission on Human Rights (CHR) hinggil sa pagkamatay ng tatlong sundalo sa ambush na kinasa umano na mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Legazpi nitong nakaraang linggo.
Ayon sa tagapagsalita ng CHR na si Atty. Jacqueline De Guia nasimulan na ng kanilang regional office ang paunang imbestigasyon para lumabas aniya ang katotohanan at hustisya na nangyaring insidente.
Mababatid na nasawi sa Barangay 66 sa naturang lugar sina Corporal Joemar Maravilla, Privates Ronald Zamora, at Reymar Palencia, habang sugatan naman si Sgt. Ferdinand Ignas.
Sa huli, kinundina ng CHR ang nangyaring karahasan at isinalarawan na walang saysay ang pangyayari na ikinasawi pa ng ilang indibidwal.