Muling tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte ang patuloy na suporta sa pagpapanatili ng karapatang pantao at social welfare sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM.
Ito ang bahagi ng mensahe ni Pangulong Duterte para sa ikalawang anibersaryo ng pagkakatatag ng Bangsamoro region.
Ayon sa Pangulo, dalawang taon na ang nakalilipas ng maabot ng pamahalaan ang naturang yugto upang maisakatuparan ang pangako ng pangmatagalang kapayapaan at katatagan sa Bangsamoro.
Aniya, tulad ng ibang mga bansa nahaharap din ang BARMM sa mga hamon na dulot ng COVID-19 pandemic kaya inatasan niya ang mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan na ibigay ang buong suporta sa rehiyon.
Kasabay nito, nagpasalamat si Pangulong Duterte sa mga opisyal ng pamahalaan at pinuno ng Bangsamoro sa pagpapalakas ng ugnayan ng dalawang panig para maabot ang hanggad na makabuluhan at pang matagalang kapayapaan sa Mindanao.
The Chief Minister Murad Ahod Ebrahim let me thank you for showing exemplary leadership and for your efforts in ensuring that BARMM will achieve meaning self-governance within the framework of our constitution and other Bangsamoro Organic Law. Together let us continue define common ground in achieving our shared aspirations for the economic and self-sufficiency genuine development and lasting peace in our own region of Mindanao,″ mensahe ng Pangulong Duterte.