Oobligahin na ng pamahalaan ang lahat ng mga biyahero na magmumula sa mga bansa na kabilang sa travel restrictions dahil sa bagong variant ng virus na muling sumailalim sa swab test.
Ito’y sang-ayon sa resolusyon ng pamunuan ng Inter-Agency Task Force (IATF), gagawin ang ikalawang swab test sa ika-limang araw ng kanilang quarantine, oras na lumapag ng bansa.
Ibig sabihin, ang sinumang byahero na magne-negatibo sa ikalawang swab test, ay hindi na nito kailangang tapusin pa ang mandatory 14 day quarantine.
Magugunitang inirekomenda ng health department ang re-swabbing sa mga papasok na byahero sa bansa.
Ito’y matapos na mag-negatibo sa virus ang mga close contacts ng pinoy na dinapuan ng bagong variant ng virus pero nag-positibo naman dito matapos ang ikalawang swab test.