Wala pa sa order of business ng House Justice Committee ang impeachment complaint laban kay Supreme Court Justice Marvic Leonen.
Ayon kay Cong. Rufus Rodriguez, wala pa ring scheduled hearing ang kumite hinggil sa reklamong isinampa ni Atty. Larry Gadon laban sa mahistrado.
Nauna rito, sinabi ng Kongreso na posibleng ngayong buwan sisimulan ang proseso ng impeachment.
Mababatid na sang-ayon sa rules ng Kamara, matapos tanggapin ng secretary general ng kapulungan ang complaint o reklamo, ay dadalhin ito sa rules committee, at tsaka pa lamang ire-refer sa rules committee sa plenary para masalang sa pagdinig. —ulat mula kay Jill Resontoc (Patrol 7)