Nagpatupad na ng preemptive evacuation sa mga lugar na inaasahang dadaanan ng bagyong Lando sa probinsya ng Aurora at Isabela.
Ayon kay Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council Officer Gabriel Llave, nagsisimula na ring ilipat ng mga hotel ang kanilang mag guest sa mas ligtas na lugar.
Sinabi naman ni Isabela Provincial Reduction and Management Office Head Constante Foronda, nakaalerto na ang apat na flood and landslide prone areas sa probinsya.
Nakaalerto na rin ang Armed Forces of the Phiippines Northern Luzon Command bilang paghahanda sakaling maging super tyhoon ang bagyo.
PNP
Samantala, nakaalerto na ilang mga regional command ng Philippine National Police dahil sa bagyong Lando.
Nagpalabas ng direktiba si PNP Chief Director General Ricardo Marquez para pakilusin ang mga regional command unit sa Ilocos, Cagayan Valley,Central Luzon, MIMAROPA, CALABARZON, Bicol at Cordillera Administrative Region.
Inalerto na rin ang PNP Disaster Incident Management Task Group para tumutok sa mga lugar na apektado ng bagyo.
By Rianne Briones