Diretso na sa Metro Manila, Cebu at Davao City ang bakuna kontra COVID-19 na a-angkatin ng Pilipinas mula sa Pfizer.
Ayon kay Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque, ang tatlong lugar lamang kasi aniya na ito ang mayroong cold storage facilities na aabot sa negative 70 to 80 degrees na syang akmang lamig na kailangan ng bakuna mula Pfizer.
Pero iyong ibang COVID-19 vaccine aniya na tulad halimbawa ng Sinovac, Sinopharm at iba pa, ay maari nang dalhin sa mga lalawigan sakaling maideliver na ito sa bansa.
Paliwanag dito ng kalihim, hindi naman kasi aniya nangangailangan ng required na ‘level of cold temperature’ ang ibang bakuna kontra virus, basta’t mahalaga lamang na mailagay ang mga ito sa malamig na lugar. —ulat mula kay Jopel Pelenio (Patrol 17)