Kokonsulta muna sa mga health professionals ang lokal na pamahalaan ng Quezon City bago magdedesisyon kung luluwagan o hindi ang age restrictions sa lungsod na nasa ilalim din ng General Community Quarantine (GCQ).
Ang pahayag ay ginawa ni City Mayor Joy Belmonte matapos i-anunsiyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque na papayagan nang lumabas ng bahay ang mga edad sampu hanggang anim napu’t limang taong gulang simula a-uno ng Pebrero.
Halos araw-araw ay naitatala sa QC ang pinakamaraming kaso ng coronavirus habang sa lungsod din natunton ang kauna-unahang kaso ng UK COVID-19 variant.
Sinabi ni Belmonte na magpupulong pa lamang ang mga miyembro ng Metro Manila Council (MMC) habang hindi pa nila nakakausap ang economic sector ng Inter-Agency Task Force (IATF) ukol sa usapin.
Samantala, inamin naman ni Trade Secretary Ramon Lopez na galing sa kanila ang rekomendasyon upang lumakas ang economic activities sa rehiyon sa gitna ng pandemya.