Ibinunyag ni Bontoc, Mountain Province Mayor Franklin Odsey na may labingdalawang bagong kaso ng UK Variant na natuklasan sa kanilang bayan.
Ayon kay Odsey, positibo sa bagong uri ng virus ang labingdalawa sa tatlumpu’t limang specimens o samples mula sa COVID-19 positive cases sa Bontoc.
Dahil dito, nananawagan si Odsey sa mga residente na sumunod sa basic health protocols habang nagpapatuloy ang lockdown sa kanilang lugar.
Tiniyak din ng alkalde na ginagawa nito ang lahat ng kanilang makakaya upang mapigilan ang pagkalat ng impeksiyon.
“We will update you as soon as possible as to intensified measures that the MIATF would be undertaking. Official statements and updates shall be released by DOH, PLGU and MLGU. Let us cooperate and let us keep safe. Let us all be part of the solution. Together, we shall overcome. We work as One, We heal as One!,” ani Bontoc mayor.