Handa na ang cold storage facility para sa bibilhing bakuna kontra COVID-19 ng pamahalaang bayan ng Taytay sa Rizal.
Kahapon, personal na binisita ng mga opisyal ng Taytay ang pasilidad ng royal cold storage incorporated na matatagpuan sa Brgy. San Isidro.
Mayruong 990 pallet capacity ang naturang cold storage facility na paglalagakan ng tinatayang 28 milyong doses ng mga bakuna.
Kasabay nito, inihayag din ng pamahalaang bayan ng Taytay na nagsimula na rin silang magsanay ng mga tauhan na tutulong para sa pagbabakuna sa kanilang mga residente.