Pinangalanan ng military ang mga nangungunang universities ang colleges sa bansa na tinukoy ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na kabilang sa 18 learning institutions na pawang hotbed ng recruitment ng komunistang NPA.
Ayon kay Lieutenant General Antonio Parlade Jr., Spokesman ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), karamihan sa mga paaralang ito ang matatagpuan National Capital Region (NCR).
Pahayag ni Parlade, na maliban sa University of the Philippines (UP), kasama rin sa pinamumugaran ng talamak na recruitment ng komunistang grupo ang Polytechnic University of the Philippines (PUP), Far Eastern University (FEU), Ateneo De Manila University (ADMU), University of Santo Tomas (UST), Pamantasan ng lungsod ng Maynila (PLM), De La Salle University (DLSU), University of Makati, at iba pa.
Binigyang diin naman ni Parlade, na dahil sa DND-UP accord, nahihirapan ang pamahalaan na kumpirmahin ang iba pang mga learning institutions na hinihinalang may mga nagaganap na communist recruitment.
Kayat giit ng military official, tama lamang na buwagin o ipawalang bisa ang accord na pinasok ng DND sa mga colleges and universities tulad ng nangyari sa Unibersidad ng Pilipinas.
Samantala, inihayag naman ni Dr. Elena Pernia, ang Vice President for Public Affairs ng UP, na bukas aniya ang administrasyon ng unibersidad na makipagdayalogo sa Department of National Defense hinggil sa pagbasura nito sa 1989 accord.
Ngunit sinabi ni Pernia, na nais muna nilang makakuha ng iba pang mga impormasyon kaugnay sa alegasyon na may mga UP students na nirerekrut upang maging miyembro ng NPA.