Nasamsam ng mga operatiba ng Philippine National Police o PNP-maritime group ang aabot sa P3-M halaga ng smuggled cigarettes sa Bongao, Tawi-Tawi.
Ayon sa PNP, kinailangan pang gumamit ng bangka ang mga operatiba para makuha ang container van na nasa dalampasigan ng Bongao na mula umano sa Malaysia.
Pahayag ng PNP maritime group, nakatanggap sila ng impormasyon na may apat na container na naglalaman ng mga sigarilyo na galing sa Malaysia ang nakatakdang dumating sa Jolo.
Hinala ng pulisya, na lumubog ang vessel na pinagsakyan ng mga container dahil sa sama ng panahon.
Sinabi ni PNP Maritime Group Police Lieutenant Col. Gaylord Tamayo, na tatlong container ang kanilang narekober kung saan dalawa dito ang wala nang laman, habang ang isa naman ay naglalaman lamang ng half container ng mga basa at hindi na mapapakinabangang smuggled cigarettes.
Nabatid na dadalhin sana ang mga iligal na sigarilyo sa Zamboanga, Basilan, Sulu at Tawi-Tawi.