Niyanig ng magnitude 7 na lindol ang baybaying bahagi ng Antarctica.
Ayon sa National Emergency Office ng Chile, natunton ang epicenter ng lindol sa layong 210 kilometro silangan ng Eduardo Frei Base at may lalim na 10 kilometro.
Kaugnay nito, hinimok ng ahensiya ang mga researcher sa naturang baybaying bahagi ng Antarctica na lumikas dahil sa posibilidad ng tsunami.
Samantala, sinabi ng PHIVOLCS na walang banta ng tsunami, saan mang bahagi ng Pilipinas, ang naramdamang magnitude 7 na lindol sa Antarctica.