Mahigit kalahati ng kabuuang bilang ng mga naarestong illegal aliens sa Pilipinas, noong nakaraang taon ay Chinese nationals.
Ayon kay Bureau of Immigration Intelligence Chief Fortunato Manahan Jr., mula sa 510 na naarestong illegal aliens; 332 sa mga ito ay Chinese na sangkot sa mga illegal online gaming at cybercrime activities.
Sinabi naman ni Immigration Commissioner Jaime Morente, higit na mababa ang bilang ng naarestong illegal aliens nitong 2020 kumpara sa nadakip na 2,000 dayuhan noong 2019.
Paliwanag ni Morente, naging limitado ang paggalaw ng mga iligal na dayuhan sa bansa dahil sa nararanasang pandemiya at pagpapatupad ng community quarantine.
Marami rin aniyang mga dayuhan ang sumama sa repatriation pabalik ng kanilang mga bansa.