Planong isailalim sa general community quarantine (GCQ) ang Cordillera Administrative Region (CAR) sa susunod na buwan.
Ayon sa Department of Health-CAR, ito’y upang mapigilan ang pagkalat ng coronavirus sa rehiyon na kasalukuyang nasa modified GCQ.
Sinabi ni DOH-CAR regional director Dr. Ruby Constantino na nagpositibo sa UK variant ang labintatlo sa 326 specimen samples na isinumite nila sa Philippine Genome Center.
Paliwanag ni Constantino, balak nilang ituloy ang plano kapag naayos na ang sapat na bilang ng COVID-19 health facilities sa kanilang lugar.
Matatandaang ibinunyag ni DOH Secretary Francisco Duque III na nadiskubre ang labindalawang UK variant samples sa Mountain Province habang isa naman sa La Trinidad, Benguet.