Patuloy na hinihimok ng Philippine Red Cross (PRC) ang mga kuwalipikadong pasyente na gumaling sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) na magdonate ng blood plasma para makatulong sa paggaling ng mga COVID-19 patients.
Sinabi ni Dr. Monina Nalupta, pinuno ng PRC National Blood Services, na umaabot na sa 614 ang mga pasyenteng nabigyan nila ng convalescent plasma.
Ilang pribadong kumpanya na aniya at ahensya ang nakipag-ugnayan sa kanila para sa blood donation.
Gumagamit ng convalescent plasma therapy ang medical experts sa Philippine General Hospital, St. Lukes Medical Center at Lung Center Of The Philippines para tulungan ang mga pasyenteng nagpositibo sa COVID-19.