Hinimok ng Pangulong Rodrigo Duterte ang National Bureau of Investigation (NBI) at pulisya na iharap mismo sa kanya ang lahat ng madadakip na sangkot sa paggamit ng pangalan ng ilang pulitiko’t opisyal ng gobyerno para sa korapsyon.
Ngayon para matapos na ito lahat pati sa NBI pati pulis sa lahat ng mahuli ninyo sa mga ganoon.Dalhin ninyo sa opisina ko. Gusto ko lang silang kausapin, gusto ko lang sila makausap, bakit , bakit ganyan ang hanapbuhay nila. Kasi lokohan e’ yan ang problema diyan. Alam mo walang magpapaloko, walang naloko kung walang magpapaloko,”pahayag ng Pangulo.
Katwiran pa ng Pangulo, sakaling siya ay isang korap na opisyal dapat aniya’y simula pa lamang ay nagnakaw na ito.
Maraming sumbong dito sa amin, 5th year ko ngayon lang ako mag-umpisa magkorakot bakit hindi ko inumpisahan noong 23 years akong Mayor? Edi sana marami na akong pera noong tumakbo ako noong eleksyon,”ani ng Pangulo
Samantala, hinamon din ng Pangulong Duterte na makipag-usap sa kanya ang sinomang nagsasabing siya ay korap.
Merong iba dyan na kasi wala silang nakuha kay Sec. Galvez dahil wala naman talaga, laway pa lang itong lahat, conversation, istorya, merong nagsabi may korapasyon… alam mo mag-usap nga tayo, tayo lang, kung sino mang magsabi niyan? please rise and be brave enough…I would like to talk to you tayo lang dalawa, maski saan mo gusto sa bahay mo para may medyo magandang usapan, hindi sa labas kasi bawal, you can do it in the office here at Pasig,” wika ng Pangulo.—sa panulat ni Agustina Nolsco.