Itinalaga ng punong ehekutibo si dating Court of Appeals Justice Jhosep Lopez bilang bagong Associate Justice ng Korte Suprema.
Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, pinirmahan kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtatalaga kay Lopez.
Pupunan ni Lopez ang nabakanteng posisyon ni Justice Priscilla Baltazar-Padilla na nagretiro noong nakaraang taon sa edad na 62-taong gulang o walong taong mas maaga sa itinakdang mandatory retirement age ng mga hukom at mahistrado.
Kasunod nito, umaasa ang Palasyo na magiging mahusay ang paglilingkod ni Lopez sa Korte Suprema. —ulat mula kay Bert Mozo (Patrol 3)