Isasagawa ng pribado ang pagpapabakuna kontra COVID-19 ni Pangulong Rodrigo Duterte, oras na gumulong na ang vaccination program ng pamahalaan.
Ito ang iginiit ng Malakanyang, sa kabila ng mga panukala na gawin ng Pangulo ang pagpapaturok ng bakuna sa harap ng publiko.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi maaaring ipakita sa publiko pagpapabakuna kay Pangulong dahil nais nitong magpaturok sa bahagi ng kanyang puwitan.
Una nang sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III sa pagdinig ng senado na kanyang susubukang kumbinsihin si Pangulong Duterte na magpabakuna sa harap ng publiko.
Ito ay upang mataas ang kumpinyasa sa bakuna ng mga Filipino.