Patay ang isang umano’y hitman ng New People’s Army (NPA), matapos manlaban sa mga pulis sa Brgy. Palacian San Agustin, Isabela kahapon.
Ayon kay Isabela Police director Colonel James Cipriano, kinilala ang hitman na si Renato Busania.
Nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan si Busania nang salubungin niya ng putok ang mga pulis na may hawak na warrant of arrest na ipinalabas ni RTC Judge Bonifacio Ong noon pang 2007 sa kasong double murder.
Isinugod pa sa ospital si Busania pero idineklara siyang dead on arrival.
Samantala, tinukoy na bergudo ni Isabela Bayan Muna Secretary General Elena Mendiola si Busania. —sa panulat ni John Jude Alabado