Pinalilikas na ang mga residenteng naninirahan malapit sa Magat River sa Cagayan Valley dahil na rin sa pag-apaw ng ilog matapos magapkawala ng tubig ang Magat dam.
Ayon kay Richard Orendain ng PAGASA Hydrometeorology Division, 2 gates ang binuksan ng Magat dam na may taas na 3 metro.
Ang tubig mula sa nasabing dam ay patungong Cagayan River at posibleng maka apekto sa bayan ng Gamu sa Isabela.
Ayon pa kay Orendain, nagpakawala na rin ng tubig ang ambuklao at binga dam.
4 na gate ang binuksan ng 2 dam at ang tubig mula rito ay tutungo sa San Roque dam.
Batay sa tala kaninang 6:00 ng umaga 4 na metro pa ang kailangan bago umabot sa spilling level ang San Roque Dam.
By: Jonathan Andal