Sinimulan na ang pagtalakay sa senado ang panukalang Charter Change (Cha-Cha) sa pangunguna ng senate committee on constitutional amendments, revision of laws and codes.
Tinutukan sa pagdinig kung napapanahon ba ang pagsusulong ng amendments sa konstitusyon at kung ang pamamaraan bang gagamitin ay constituent assembly (con-ass) o constitutional convention (con-con).
Ngunit ayon kay dating Supreme Court Justice Mendoza, wala sa timing ang Cha-Cha.
Sinabi ni Mendoza na dapat na matuon ang enerhiya at resources sa pagharap sa dalawang napakahalagang bagay o hamon ngayon.
Ani Mendoza ito ang hamon na hatid ng banta ng COVID-19 at pangalawa ay ang paghahanda sa 2022 national at local elections para matiyak ang pagkakaroon ng good governance sa bansa.