Iniimbestigahan na ng Department of Tourism-Cordillera Administrative Region ang pagdaraos ng salu-salo sa bahagi ng Camp John Hay sa Baguio City.
Ito’y bilang bahagi ng birthday celebration ng entertainment personality na si Tim Yap sa kabila ng nagpapatuloy na banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Mababatid kasi na kumalat online ang ilang larawan ng naturang gathering na kitang walang suot ng face mask at hindi nasunod ang social distancing sa panig ng mga dumalo rito.
Bukod sa mga kaibigan ni Yap, dumalo rin sa selebrasyon ang aktres na si KC Concepcion, maging ang alkalde ng Baguio City at contact tracing czar na si Mayor Benjamin Magalong kasama ang asawa nito.
Paliwanag ni Yap, ang sa idinaos na selebrasyon, kanilang sinunod ang mga health protocols maging ang itinakdang dami ng bisita sa ginanapang venue.
Kasunod nito, humingi na ng paumanhin si Yap at sinabing hindi nito intensyong lumabag sa umiiral na health protocols, sa halip ay i-promote ang lokal na turismo.
Habang si Magalong naman ay sinigurong hindi mag-iinhibit sa gagawing imbestigasyon.