Tiniyak ng pamunuan ng Department of Transportation (DOTr) na ligtas na sumakay ang publiko sa mga tren ng MRT-3.
Ito ang naging pagtitiyak ng DOTr matapos na mapabalitang may 42 tauhan ng ahensya ang nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Pero paliwanag nila, ang mga dinapuan ng virus, ay hindi mga nakatalaga sa mga istasyon ng rail line.
Sa huli, giit ng DOTr, nagpapatuloy ang mahigpit na pagpapatupad ng MRT-3 sa mga umiiral na pag-iingat o health protocols kontra COVID-19 sa lahat ng mga istasyon nito, maging ang mga tauhan nito na nakasuot din ng mga personal protective equipments.