Isang bagong international commission ang inilunsad para iimbestigahan ang umano’y mga paglabag sa karapatang pantao sa Pilipinas.
Batay sa resolusyon ng 45th United Nation Human Rights Council noong Oktubre ng nakaraang taon, itinatag ang Independent International Commission of Investigation into Human Rights Violation in the Philippines. (Investigate PH)
Ayon kay UNHRC Commissioner Rev. Michael Blair, ang Investigate PH ay isang mahalagang espasyo ng pagkakaisa at pagasama-sama para sa mga Filipino, kasabay ng pagiimbestiga sa malinaw na mga paglabag at karahasang may kinalaman karapatang pantao sa pilipinas.
Binubuo ang Investigate PH ng mga pinuno ng iba’t ibang grupo ng mga international lawyers, political leaders at global church na siyang kakalap ng mga impormasyon hinggil sa usapin ng human rights sa bansa.
Isinulong ang resolusyon na bumubuo sa Investigate PH kasunod ng panawagan ng mga biktima at international community para sa malayang pagsisiyasat sa mga pang-aabuso sa karapatan sa Pilipinas.