Hindi na kailangang magleave of absence si Armed Forces of the Philippines (AFP) deputy chief of staff for Civil Military Operations M/Gen. Benedict Arevalo.
Ito’y ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana kung siya ang tatanungin hinggil sa usapin bagama’t para sa kaniya ay kahanga-hanga ito.
Una nang sinabi ni Arevalo na nais niyang dumistansya muna habang nagapapatuloy ang imbestigasyon hinggil sa palpak na pagpapalabas ng listahan ng AFP hinggil sa mga personalidad na konektado umano sa CPP-NPA.
Magugunitang sinibak sa puwesto ni Lorenzana si deputy chief of staff for Intellegence M/Gen. Alex Luna dahil sa ang mga tauhan nito ang naglabas ng nasabing listahan.
Bagama’t hindi katanggap-tanggap para kay Lorenzana ang ginawa ng mga tauhan ni Luna alinsunod na rin sa prinsipyo ng command responsibility, sinabi ng kalihim na hindi na ito dapat idaan sa isang pormal na imbestigasyon sa halip ay dapat panagutan ito ng mga nagpabayang opisyal tulad ni Luna.