Pursigido ang Department of Health (DOH) na imbestigahan ang mga report hinggil sa black market o iligal na bentahan ng COVID-19 vaccines sa bansa.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire nakikipag-ugnayan na sila sa Food and Drug Administration (FDA) para maimbestigahan at maharang ang iligal na bentahan ng COVID-19 vaccines na delikadong gamitin lalot hindi naman rehistrado o walang emergency use authorization mula sa FDA.
Pinag iingat ni Vergeire, ang pubiko sa mga nag-aalok ng mga nasabing bakuna mula sa black market dahil hindi nakakatiyak na authentic ang mga ito.
Malaki aniyang hamon ang monitoring sa mga taong naturukan ng iligal na bakuna.
Sa ilalim ng vaccine deployment plan ang mga taong matuturukan COVID-19 vaccine ay dapat magbigay ng impormasyon para ma-monitor ng gobyerno hinggil sa posibleng adverse o side effects.