Pansamantala munang isasara simula bukas, pebrero a uno ang J. Fajardo bridge sa Sampaloc, Maynila.
Isasara muna ng DPWH ang nasabing tulay sa loob ng pitong buwan para sa kaukulang repair at reconstruction nito.
Isa isa nang dinala sa lugar ang mga construction equipment na umukupa na sa isang lane ng nasabing tulay.
Dahil dito pinayuhan ang mga motorista na gumamit ng alternatibong ruta kung saan ang mga patungong R. Magsaysay Blvd. ay pupuwedeng dumaan sa Vicente Cruz at D. Tuiazon at España Blvd. naman sa mga tutungo ng A.H Lacson Avenue.