Ikinatuwa at pinuri ni Senator Christopher “Bong” Go ang ipinalabas ng Pangulong Rodrigo Duterte ng Executive Order No. 124 na nagpapataw ng price ceiling sa presyo ng baboy at manok sa Metro Manila.
Giit ni Senator Go hindi natin dapat hayaan na may mamamatay sa gutom.
Kaya aniya hinihikayat ang mga kasamahan sa gobyerno na gawan ng paraan na matigil ang patuloy na pagtaas ng presyo ng baboy, manok at gulay para mapagaan ang pasanin ng publiko ngayong mahirap ang buhay.
Wala na nga aniyang pambili ng pagkain ang mga kababayan natin, tataas pa ang presyo ng bilihin.
Matatandaang una rito, umapela si Sen. Go sa Pangulo, alinsunsunod sa rekomendasyon ng Department of Agriculture na magpalabas ng EO na nagpapataw ng price ceiling.
Ang price ceiling ay ipapatupad lang sa Metro Manila sa loob ng 60 araw maliban na lang kung irekomenda ng DA na palawigin pa ito.
Ang hakba na ito ng Pangulo ay naaayon sa Price Act. — ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)