Sugatan ang nangungunang kandidato sa pagka-alkalde sa Cologne, Germany.
Kinilala ang biktima na si Henriette Reker, na bagama’t independent subalit malapit na kaalyado ng ruling Christian Democrats sa pamumuno ni Chancellor Angela Merkel.
Tinamaan sa leeg ang biktima habang nasa kanlurang bahagi ng Cologne habang nangangampanya sa bisperas ng kanilang halalan.
Gayunman, arestado ang nasa likod ng pananaksak at inihahanda na ang kaso laban ditto.
By: Jaymark Dagala