Nakapagtala ng karagdagang 33 na bagong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa hanay ng Philippine National Police (PNP).
Sa inilabas na datos ng PNP Health Service, umakyat na ang bilang ng COVID-19 cases sa 10,219.
Nasa 614 sa mga ito ang nananatiling aktibo sa virus.
Sa kaparehong datos, nadagdagan din ng 34 ang bilang ng mga gumaling sa COVID-19, dahilan para lumobo ang bilang nito sa kabuuang 9,576.
Samantala, umakyat na sa 29 ang death toll sa hanay ng PNP matapos na maitala ang karagdagang isang nasawi sa COVID-19. —ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)